Krimen sa ating bansa | Sheila Deguiñon
KRIMEN
Ang krimen ay isang kilos na nakakasama o mapanganib sa lipunan. Ito ay ipinagbabawal at parurusahan sa ilalim ng batas. Ang mga tunggalian sa pagitan ng iba’t ibang panglay sa lipunan dahil sa pagkakaiba-iba sa lahi at etniko, sosy na antas, relihiyon, at iba pang mga salik ay nakakaapekto. Ngunit paano o bakit nga ba nila nagawa ang mga labag ng krimen?
Sa mga balita na nakikita ngayon ay puro pagpatay, gaya ng pinakabagong balita, isang matandang mag-asawa ay binaril matapos hingan ng kanilang anak ng tulong ang isang tao upang pumatay sa kanyang magulang matapos hindi nabigyan ng kalahati ng pera sa kanyang magulang.
Ito ang bagong balitang nagpapakita ng krimen:
Sa aking palagay posibleng nagawa nila ang mga krimen na ito dahil sa mga sikolohikal na dahil para sa pagsasagawa ng krimen, gaya ng kasakiman, galit, inggit, paghihiganti at pagmamalaki. Posibleng nadala sila sa kanilang mga emosyon paragumawa ng masamang bagay. Maari rin na sila ay magkasala dahil sa kahirapan, kailangan nila ng pera sa kanilang pamilya o di ba kaya't may kailngan silang babayaran. Ngunit ang kanilang maling gawain ay hindi pa rin naaayon upang gumawa ng krimen, sila'y haharap pa rin sa mga kahihinatnan nito.
May tinatawag din tayong index at non-index crime. Ang index crime ay binubuo ng mga seryosong krimen tulad ng pagpatay, pamamaslang panggagahasa, at pagnanakaw. Sa non-index crime naman ay mga paglabag sa lokal na ordinansa, ito ay binubuo ng hindi gaanong seryoso na krimen.
Ang isang taong inaakusahan ng mararahas na krimen ay maaring harapin ang maraming taon sa likod ng rehas halimbawa tulad ng panggagahasa at pagpatay, ito ay napaka seryoso at mararahas na krimen sa buong bansa. Kapag ang krimen ng panggagahasa ay isinasagawa gamit ang nakakapatay na armas o ng dalawa o higit pang mga tao, ang parusa ay magiging reclusion perpetua hanggang kamatayan
Nararapat ang parusa na maging reclusion perpetua hanggang kamatayan sa mga napaka seryosong krimen o index crime upang mabawasan ang mga masasamang pangyayari, sa paraang ito matatakot ang mga kriminal na ulitin o gawin ang krimen na ito upang mabigay rin ang katarungan sa mga biktima. Ang biktima at ang kanilang mga pamilya ay karapat-dapat na magkaroon ng katarungan para sa nakakapanlumong krimen na naganap. Bigyan ng liksyon ang kanilang masasamang gawain para sa ikakabuti ng ating bansa.

This information given really shows that no crime has a valid reason, that you cannot just simply decide on committing one just because you feel like it and this also shows how cruel the world is. Thank you for publishing this Selami
ReplyDeleteThis blog is not only informative, it is engaging as well. It is absolutely crucial to discuss about this topic, in order to promote a safer community for everyone. Thank you for publishing this, Sheila! I hope to hear more from you hehe
ReplyDeleteThank you for writing this, Sheila! You expressed your opinions and thoughts very well on this blog.
ReplyDelete