Minsan sa isang Taon

          " Minsan sa isang Taon"

Lahat tayo ay may mga pangarap sa buhay lalo na sa mga bata na nasa video upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Gusto nilang maabot ang kanilang pangarap upang makaahon sa kahirapan. Ngunit dahil walang-wala sila sa pera at ito ang maging hadlang sa kanilang mga pangarap. Mahirap ang kanilang kabuhayan dahil kailangan pa nila mag dobleng kayod upang maka pera. Noong Oktubre 10, Nakita ko ang video ni Kara David namamagat ng "minsan sa isang taon" ito ay tungkol sa mga kababayan na nasa kahirapan. Minsan lang sila makakain ng kanin sa isang taon. Kailangang magsikap si Tusan Tango para makakain ng napakasarap na pagkain ang kanyang pamilya. Si Tusan Tango ang taong nagpapasya ng sangkap ng pero, ngunit hindi man lang makahawak ng pera. Hindi naging madali ang kanilang buhay lalo na ay maraming kahoy ang napuputol at nakakaapekto ito kanilang anihan. Bilang isang kabataan kailangan mong pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka ngayon. Nakakaawa kasi minsan lang sila makakain ng kanin sa isang taon samantalang tayo ay kumakain ng kanin ng tatlong beses sa isang araw at ang iba sa atin ay ayaw pang kumain. Kahit bata pa sila kumakayod na sila upang magkapera pang bili ng notebooks at may pangtustus sa kanilang pamilya at pambili na rin mga pagkain. Kung pagbibigyan mo ng pagtuon sa kung ano ang magbigay ng sustansya at sumusuporta sa iyo sa buhay ay nangangailangan na pahalagahan mo ang mga simpleng bagay sa iyong buhay. Sa anumang bagay na kahit bahagyang nakalulugod sa iyo.

Comments

Popular posts from this blog

Traditional Instrument - Suling

Krimen sa ating bansa | Sheila Deguiñon

REFLECTIVE ESSAY BLOG ( COLLAB WITH ENGLISGH AND AP )